Why spread
Financial Education?
But first, can I share a short story? A story about my grandfather entitled "Wala ka sa Lolo ko!"
You are still reading so let's go.
"Wala ka sa Lolo ko!"
Ang Lolo ko ay mayaman. Siya ang kauna-unahang residente ng probinsiya namin na nagkaroon ng bahay na bato at tinawag ito ng mga kapitbahay na Malaking Bahay. Kapag maligaw ka duon eh tanong mo sa lang sa mga tao kung saan ang malaking bahay at maituturo nila ito. (Naligaw na ako duon nuong bata pa ako at ganun ang ginawa ko, ayun nakabalik ako)
Siya ay isang Chinese National na napadpad sa Samar bago mag umpisa ang World War II dahil sa kahirapan sa China. Sa Samar ay nakilala niya ang Lola ko at sila ay nagsikap. Nagtinda at naglako sila ng pulbo at toothpaste nuong hindi pa uso mag-pulbo at mag-tootbrush ang mga tao. (Inside joke namin sa Pamilya na--buti na lang pina-uso ni Lolo't Lola, kundi mababaho ang hininga niyo)
Naging mayaman ang Lolo ko sa pera at sa pamilya. Nagkaroon siya ng walong anak at lahat sila ay lumaki ng marangya. Kabilang ang Mama ko na pangalawa sa bunso. In short, lumaki ang Mama ko na mayaman.
Ngunit sa edad na 70 namatay ang Lolo ko at nag umpisa na ang pagguho ng mga business at
pagkawala ng pera. Sapagkat may kanya-kanya nang mga pamilya ang magkakapatid ay hindi natutukan ang pag lago ng pera at ang resulta ay Mama ko ay naghirap. At sa paghihirap ng Mama ko ay lumaki akong mahirap.
But don't get me wrong, hindi po ako nagrereklamo. Sa puntong ito ng buhay ko, ngayon ko lamang napagtanto na ang mga hirap na dinanas ko sa aking buhay ay ang magiging inspirasyon ko para matuto upang matulungan ko ang sarili ko at ibang tao.
Kaya't ipinapangako ko na yayaman ako. At itanong mo sa akin kung papaano.
Papaano? Naisulat ko na kung paano. It's just a matter of time. Naisulat ko na din kung kelan at mas maigi na hindi ko na sabihin sa'yo pero kapag pinilit mo ako, ishe-share ko sa'yo Dream Board ko.
Pero mabalik tayo sa kwento. Yayaman ako hindi lang para sa akin kundi para sa anak ko o sa mga magiging anak ko sapagkat ayoko na mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin. Hinding-hindi ako papayag na lumaking mahirap ang anak ko.
Ngunit paano puputulin ang paikot ikot na kwentong ito ng buhay ko?
Alam ko na yan!
Lumang tugtugin!
Ganun talaga eh! Eh anong magagawa ko?
Heto ang ilan sa mga sinabi ko sa sarili ko na mga dahilan pero ang talagang sinasabi ko eh nakakatamad at kuntento na ako sa buhay kong mahirap. Buti na lang nagtanong ulit ako sa sarili ko--Paano ang anak ko?
Sinagot ko naman na hindi pwedeng ganito na lang palagi. Kailangan ko ng pagbabago.
I can now consider myself to be learned when it comes to personal finance at simula't sapul ay pinili kong i-share agad ito kasi napagtanto ko na sobrang importante na matutunan ang lahat ng ito kung kaya't sasabihin ko agad sa lahat ng mga kaibigan ko, katrabaho o kung sinumang nakakasalamuha ko.
Pero may hidden agenda ako at huwag mo na lang ipagsasabi sa mga tao--nagpa-praktis ako sa inyo. Every Friday hinahasa ko ang paraan ng pagspread ng Financial Education. Bibigyan ko ang sarili ko ng apat na taon para maipasa, maituro at maipamana ko sa aking tatlong taong gulang na anak na si
MJ ang Edukasyong Pinansyal na nakaligtaan siguro ng Lolo ko na maipasa, maituro at maipamana sa Mama ko. Ganito ko puputulin ang pag ikot ng cycle na ito ng kwentong "Wala ka sa Lolo ko!".
Sabi ko sa'yo maikli lang kwento eh. Pero hindi dito nagtatapos ang kwento ng Financial Journey na ito sapagkat marami akong dapat pag pasalamatan, so far, sa pagpapabilis ng proseso ng pagkakatuto
ko sa larangan ng personal finance. At pagkatuto kung paano uumpisahang ikalat o i-Spearhead ang Financial Education to firstly every Filipino and eventually everyone.
Alam niyo na sa " Catalysts " post kung paano nag umpisa pero marami pang kasunod na mga pangyayari.
Nagpapasalamat ako kay Lord sapagkat nagiging instrument niya ako sa pagbabago ng isipan ng mga tagapakinig--napilitan man o kusa, nadamay man o sinadya, nagbago man o hindi. . . pa. At kung maibu-buod ko sa isang pangungusap ang landas na tinahak kong ito, heto ganito--
Kailangan ko lang palang sikaping maging isang mabuting tao nang malaman ang dapat pahalagahan ko at mabago ang mga naka-ugalian na naayon sa magpapaligaya sa akin at bubuo sa aking pagkatao.
English translation:
All I need to do is to try to be better person for me to know what I ought to value to change my habits in line with what makes me truly happy and be fulfilled.
Then everything else will follow.
Hope I gave justice and answered my own question, Why spread Financial Education?
How about you? Do you have any question/s for me? I would love to answer them.
Please do comment below.
Related Posts: "Give, Share & Inspire Part 1"
No comments:
Post a Comment
What do you think?